MGA AWIT 149 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.

1Purihin ninyo ang Panginoon.

Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,

At ng kaniyang kapurihan Awit 89:5; 111:1. sa kapisanan ng mga banal.

2 Job 35:10; Awit 85:6; 95:6. Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:

Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.

3 1 Cron. 16:31; Ex. 15:20. Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:

Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.

4Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:

Is. 61:3. Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.

5Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:

Awit 63:6. Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.

6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,

At Heb. 4:12; Apoc. 1:16; 2:12. tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;

7Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,

At mga parusa sa mga bayan;

8Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,

At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;

9Upang magsagawa sa kanila ng hatol na Is. 65:6. nasusulat:

Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help