MGA AWIT 13 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?

Job 13:24; Awit 44:24; 88:14. Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?

2Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,

Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?

Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?

3Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:

1 Sam. 14:27; Ezra 9:8. Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;

4 Awit 38:16. Baka sabihin ng aking kaaway,

Ako'y nanaig laban sa kaniya;

Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak Awit 10:6. pagka ako'y nakilos.

5Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.

Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:

6Ako'y aawit sa Panginoon,

Awit 116:7; 119:17. Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help