MGA AWIT 97 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

1Ang Panginoon ay 1 Cron. 16:31. naghahari; magalak ang lupa;

Matuwa ang karamihan ng mga pulo.

2 1 Hari 8:12; Awit 18:11. Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:

Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.

3Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.

4Tumatanglaw Ex. 19:18; Awit 77:18. ang mga kidlat niya sa sanglibutan:

Nakita ng lupa, at niyanig.

5 Huk. 5:5; Nah. 1:5. Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,

Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

6Ipinahahayag Awit 50:6. ng langit ang kaniyang katuwiran,

At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.

7Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,

Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:

Kayo'y magsisamba sa kaniya Heb. 1:6. kayong lahat na mga dios.

8Narinig ng Sion, at natuwa,

At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;

Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.

9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay Awit 92:9. kataastaasan sa buong lupa:

Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.

10Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, Awit 101:23. ipagtanim ninyo ang kasamaan.

Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;

Kaniyang iniligtas sila Dan. 3:28; 6:22, 27; Gawa 12:11. sa kamay ng masama.

11 Job 22:23; Awit 112:4; Kaw. 4:18. Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,

At kasayahan ay sa may matuwid na puso.

12Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;

Awit 30:4. At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help