MGA AWIT 103 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit ni David.

1Purihin mo ang Panginoon, tal. 2:22; Awit 104:1, 35; 146:1. Oh kaluluwa ko:

At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

2Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,

At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.

3 Awit 130:8; Is. 33:24. Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;

Ex. 15:26. Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;

4 Awit 56:13. Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:

Na siyang nagpuputong sa iyo ng Awit 5:12. kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:

5Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;

Na anopa't ang Is. 40:31. iyong kabataan ay nababagong parang agila.

6 Awit 146:7. Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,

At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.

7Kaniyang ipinabatid ang Awit 147:19, 20. kaniyang mga daan kay Moises,

Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.

8Ang Panginoon ay puspos Ex. 34:6, 7; Awit 86:15. ng kahabagan at mapagbiyaya,

Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.

9 Awit 30:5; Is. 57:16. Hindi siya makikipagkaalit na palagi;

Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.

10 Ezra 9:13. Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,

Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.

11 Awit 57:10. Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,

Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob Luc. 1:50. sa kanila na nangatatakot sa kaniya.

12Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,

Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.

13 Mal. 3:17. Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,

Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

14Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;

Awit 78:39. Kaniyang inaalaala na Gen. 3:19. tayo'y alabok.

15Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:

Kung paanong namumukadkad ang Awit 90:5, 6; Is. 40:6. bulaklak sa parang ay gayon siya.

16Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;

At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.

17Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,

At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa Ex. 20:6. mga anak ng mga anak;

18Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,

At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,

19Itinatag ng Panginoon ang Awit 11:6. kaniyang luklukan sa mga langit;

At ang Dan. 4:25, 34, 35. kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.

20 Awit 148:2. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:

Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,

Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.

21Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;

Awit 104:4; Dan. 7:9, 10. Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.

22 Awit 145:19. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,

Sa lahat na dako na kaniyang sakop;

tal. 1, 2. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help