ANG MGA GAWA 6 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Nang mga araw ngang ito, Gawa 2:41, 47; 4:4; 5:14. nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Gawa 9:29; 11:20. Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan Gawa 4:35. sa pamamahagi sa araw-araw.

2At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang.

3Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, Deut. 1:13; 1 Tim. 3:7. ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.

4Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.

5At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, tal. 8; Gawa 7:55. taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, Gawa 8:5; 21:8. at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Gawa 11:26. Antioquia Mat. 23:15. na naging Judio;

6Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y Gawa 1:24; 13:3. mangakapanalangin na, ay 1 Tim. 4:14; 5:22; 2 Tim. 1:6. ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon.

7At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming Juan 12:42. saserdote.

8At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.

9Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.

10At Luc. 21:15. hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.

11Nang magkagayo'y nagsisuhol sila 1 Hari 21:10, 13; Mat. 26:60. sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.

12At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,

13At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan:

14Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay Dan. 9:26. iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.

15At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help