OSEAS 8 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.

1 Ilagay mo ang Os. 5:8. pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang Deut. 28:49. aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't Os. 6:7. kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

2Sila'y magsisidaing sa akin, Mat. 7:21-23. Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

3Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.

4Sila'y nangaglagay ng mga hari, 1 Hari 12:20; 2 Hari 15:13, 17, 23. nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: Os. 2:8. sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.

5Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

6Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

7Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga Os. 7:9. taga ibang lupa.

8Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na Jer. 22:28. parang sisidlang hindi kinalulugdan.

9Sapagka't 2 Hari 15:19. sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na Jer. 2:24. asno na nagiisa: ang Ephraim ay Ezek. 16:33, 34, 41. umupa ng mga mangingibig.

10Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis Is. 10:8; Ezek. 26:7. sa hari at mga prinsipe.

11Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

12Sinulat ko para sa kaniya Deut. 4:6, 8. ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

13Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; Deut. 28:23; Os. 9:3; 11:5. sila'y mangababalik sa Egipto.

14Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo Amos 2:5. ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help