1Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat Awit 89:7; 149:1. sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3Ang kaniyang gawa ay Awit 145:5. karangalan at kamahalan:
At ang Awit 112:3, 9. kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay Awit 86:15; 103:8. mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5Siya'y nagbigay ng Mat. 6:26, 33. pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay Apoc. 15:3. katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay Awit 19:1. tunay.
8 Is. 40:8; Mat. 5:8. Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9Siya'y nagsugo ng Awit 107:20; Luc. 1:68. katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
Awit 99:3. Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 Deut. 4:6. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
