GALACIA 6 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Mga kapatid, Sant. 5:19. kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong 1 Cor. 3:1. mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa 1 Cor. 4:21; 2 Tim. 2:25. espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.

2Mangagdalahan kayo ng mga Rom. 15:1; Gal. 5:14. pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon Juan 13:34. ang kautusan ni Cristo.

3Sapagka't kung 1 Cor. 8:2. ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.

4Nguni't siyasatin ng 1 Cor. 11:28. bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa.

5Sapagka't ang Rom. 14:12. bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.

6Datapuwa't ang tinuturuan 1 Cor. 9:14. sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.

7Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang 2 Cor. 9:6. lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

8Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.

9 2 Tes. 3:13. At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, Heb. 10:36. kung hindi tayo manganghihimagod.

10Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay 1 Tes. 5:15; 1 Tim. 6:18. magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa Ef. 2:19; 3 Juan 5. mga kasangbahay sa pananampalataya.

11Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo 1 Cor. 16:21. ng aking sariling kamay.

12Yaong 2 Cor. 11:13. lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, Gal. 2:3, 14.

ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang Gal. 5:11. pagusigin dahil sa krus ni Cristo.

13Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman.

14Datapuwa't malayo nawa sa akin ang Fil. 3:3, 7, 8. pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay Rom. 6:6. napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.

15Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi Juan 3:5, 7; 2 Cor. 5:17; Ef. 2:15. ang bagong nilalang.

16At ang lahat Fil. 3:16. na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, Awit 125:5. kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Rom. 9:8. Israel ng Dios.

17Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan 2 Cor. 1:5; 11:23-25. ang mga tanda ni Jesus.

18Mga kapatid, 2 Tim. 4:22; Flm. 25. ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help