1Mangagbigay kayo sa Panginoon, 1 Cron. 16:28, 29; Awit 96:7, 9. Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa 1 Cron. 16:29. kagandahan ng kabanalan.
3 Job 37:2, etc. Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng Awit 144:7. maraming tubig.
4Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6Kaniya namang Awit 114:4, 6. pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at Deut. 3:9. Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10Ang Panginoon ay Gen. 6:17. naupo sa Baha na parang Hari;
Awit 10:16. Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 Awit 28:8. Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
