JOSUE 16 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang mana ng mga anak ni Ephraim.

1At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa Jos. 8:15; 18:12.ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;

2At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Gen. 28:19; Jos. 18:13; Huk. 1:26.Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;

3At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, Jos. 10:10.hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.

4At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.

5At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:

6At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:

7At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.

8Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,

9Pati ng mga Jos. 17:9.bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.

10 Huk. 1:29; 1 Hari 9:16; Jos. 15:63; 17:12, 13. At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at Gen. 49:15.naging mga alilang tagapagatag.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help