ISAIAS 53 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.

1Sinong Juan 12:38; Rom. 10:16. naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang Is. 51:9. bisig ng Panginoon?

2 Is. 11:1. Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: Is. 52:14. walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

3Siya'y hinamak at itinakuwil Mar. 9:12. ng mga tao; isang Heb. 4:15. taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y Juan 1:10, 11. hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

4Tunay na kaniyang Mat. 7:18. dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

5Nguni't siya'y nasugatan Rom. 4:25. dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa Is. 57:19. ating kapayapaan ay nasa kaniya; 1 Ped. 2:24, 25. at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

6 Mat. 9:36. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan 2 Cor. 5:21. sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

7Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay Mat. 26:63; 1 Ped. 2:23. hindi nagbuka ng kaniyang bibig; Gawa 8:32. gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

8Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, Juan 7:27. sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

9At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama Mat. 27:57, 60. ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman 1 Ped. 2:22. hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.

10Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, Awit 22:30. makikita niya ang kaniyang lahi, Rom. 6:9. pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

11Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: Fil. 3:8. sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng 1 Juan 2:1. aking matuwid na lingkod ang marami; at Is. 42:1; Rom. 5:18, 19. dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 Awit 2:8. Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang Col. 2:15. hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at Mar. 15:28. ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at Rom. 8:34; Heb. 7:25; 9:24. namagitan sa mga mananalangsang.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help