MGA HEBREO 1 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at Blg. 12:6, 8. sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,

2Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na Gal. 4:4; Heb. 9:36; 1 Ped. 1:20. ito sa pamamagitan, tal. 8; Heb. 3:6; 5:8; 7:28. ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na Awit 2:8; Mat. 21:38; Rom. 8:17. tagapagmana ng lahat ng mga bagay, Juan 1:3; Ef. 3:9. na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

3 Juan 1:14. Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at 2 Cor. 4:4. tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at Col. 1:17. umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, Heb. 9:14. nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, Awit 110:1; Heb. 8:1. ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

4Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y Ef. 1:21; Fil. 2:9, 10. nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

5Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,

Ikaw ay Awit 110:1. aking Anak,

Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?

at muli,

2 Sam. 7:14. Ako'y magiging kaniyang Ama,

At siya'y magiging aking Anak?

6At muli nang dinadala niya Rom. 8:29. ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.

7At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,

Awit 104:4. Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,

At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:

8Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,

Awit 45:6, 7. Ang iyong luklukan,

Oh Dios, ay magpakailan man;

At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;

Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,

Is. 61:1, 3. Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.

10At,

Awit 102:25-27. Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,

At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:

11Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili:

At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;

12At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin,

At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan:

Nguni't ikaw ay ikaw rin,

At ang iyong mga taon ay di matatapos.

13Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,

Awit 2:7. Lumuklok ka sa aking kanan,

Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?

14Hindi baga silang Gen. 28:12; 32:1, 2, 24; Awit 103:20, 21; Luc. 1:19, 26; 2:9, 13; Gawa 12:7. lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help