MGA HEBREO 9 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang Ex. 25:8. santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.

2Sapagka't Ex. 26:1. inihanda ang isang tabernakulo, ang una, Ex. 26:35. na kinaroroonan ng Ex. 25:31-39. kandelero, at Ex. 25:23-29. ng dulang, at Ex. 25:30. ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal.

3At sa likod ng ikalawang tabing Ex. 26:31-35. ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;

4Na may isang 2 Cron. 26:19. gintong dambana ng kamangyan at Ex. 25:10, 11; 40:3, 21. kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto Ex. 16:33, 34. na may lamang mana, at tungkod Blg. 17:10. ni Aaron na namulaklak, at Ex. 25:16; 40:20; 1 Hari 8:21. mga tapyas na bato ng tipan;

5At sa ibabaw nito ay Ex. 25:18-22. ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa Lev. 16:2. luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa.

6At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok Blg. 28:3. ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan;

7Datapuwa't sa tal. 3. ikalawa ay pumapasok na Ex. 30:10; Lev. 16:34. nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:

8Na ipinakikilala Heb. 3:7. ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag Juan 14:6. ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;

9Na yao'y isang Heb. 11:19. talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, Heb. 7:19; 10:1, 11. na hindi magpapasakdal sa sumasamba,

10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na Heb. 7:16. ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga Lev. 11:2-47. pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

11Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote Heb. 10:1. ng mabubuting bagay na darating, Heb. 8:2. sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi Mar. 14:58. gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito,

12At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng Gawa 20:28. kaniyang sariling dugo, ay pumasok na Heb. 10:10. minsan magpakailan man sa Heb. 10:19. dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.

13Sapagka't tal. 12, 19; Lev. 16:14-16. kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at Blg. 19:2, 17, 18. ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:

14Gaano pa kaya Apoc. 7:14. ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay Tit. 2:14; Heb. 10:22; Apoc. 1:5. maglilinis ng inyong budhi Heb. 6:1. sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?

15At dahil dito'y siya ang Heb. 8:6. tagapamagitan ng isang Heb. 8:8, 13. bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, Heb. 3:1. ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

16Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

17Sapagka't Gal. 3:15. ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

18Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

19Sapagka't Ex. 24:7, 8. nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng tal. 12. mga bulong baka at ng mga kambing, Lev. 14:4, 6, 7, 49, 51, 52. na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan,

20Na sinasabi, Ito Mat. 26:28. ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

21Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay Ex. 24:6; Lev. 8:15, 19; 16:14, 16, 18, 19. pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.

22At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at Lev. 17:11. maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

23Kinakailangan nga na Heb. 8:5. ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.

24Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang Heb. 8:2. ng tunay; kundi Heb. 4:14. sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios Rom. 8:34. dahil sa atin:

25At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na tal. 7. gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal Lev. 16:34. taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay tal. 12. minsan siya'y nahayag Heb. 1:2. sa katapusan ng mga panahon 1 Juan 3:5. upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

27At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

28Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan 1 Ped. 2:24. upang dalhin ang mga kasalanan Mat. 20:28. ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas 1 Cor. 1:7. ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help