OSEAS 9 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ibinababala ang parusa sa pagtanggi ng Israel sa Dios.

1Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't Os. 5:3. ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang Os. 2:5. upa sa bawa't giikan.

2Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.

3Sila'y hindi magsisitahan Jer. 2:7. sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay Os. 8:13; 11:5. babalik sa Egipto, Dan. 1:8. at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.

4Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang Deut. 26:14; Jer. 16:7. tinapay ng nangagluksa; Blg. 19:14. lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.

5Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?

6Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Is. 19:13. Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.

7Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay Ezek. 13:3. ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

8Ang Ephraim ay Ezek. 3:17. bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.

9Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Huk. 19:16, etc.; Os. 10:9. Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

10Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang Jer. 24:2. bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Blg. 23:28. Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.

11Tungkol sa Ephraim, Os. 10:5. ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.

12Bagaman Job 27:14. kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!

13Ang Ephraim, Ezek. 26:28. gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.

14Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.

15Lahat nilang kasamaan ay Os. 4:15. nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.

16Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.

17Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at Deut. 28:64, 65. sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help