MGA AWIT 136 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; 1 Cron. 16:34; Awit 118:1. sapagka't siya'y mabuti:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

2 Deut. 10:17. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

3Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

4Sa kaniya na Awit 72:18. gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

5 Awit 104:24; Kaw. 3:19. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

6 Gen. 1:6; Is. 42:5; 44:24; Jer. 10:12. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

7 Gen. 1:14. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

8Ng araw upang magpuno sa araw:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

9Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

10 Ex. 12:29; Awit 78:51. Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

11 Ex. 12:51; 13:3, 17. At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

12 Deut. 4:34. Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

13 Ex. 14:21, 22. Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

14At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

15 Ex. 14:28. Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

16 Ex. 15:22. Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

17 Hanggang tal. 22; Awit 135:10-12. Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

18 Deut. 29:7. At pumatay sa mga bantog na hari:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

19 Blg. 31:21, 24. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

20 Blg. 21:33, 35. At kay Og na hari sa Basan:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

21 Jos. 12:7. At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

22Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na Awit 69:36. kaniyang lingkod:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

23 Gen. 8:1; Deut. 32:36. Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

24At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

25 Awit 104:27. Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

26Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help