MGA AWIT 127 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

1Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,

Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:

Awit 121:4. Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,

Walang kabuluhang gumigising ang bantay.

2Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,

At magpahingang tanghali,

Gen. 3:17, 19. At magsikain ng tinapay ng kapagalan:

Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.

3 Gen. 33:5; Jos. 24:3, 4. Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:

At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.

4Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,

Gayon ang mga anak ng kabataan.

5Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:

Sila'y hindi mapapahiya,

Pagka sila'y Awit 18:47. nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa Deut. 21:19. pintuang-bayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help