1 1 Cron. 16:7. Oh magsiawit kayo Hanggang tal. 13; 1 Cron. 16:23-33; Awit 98. sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
Awit 115:15. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
Awit 78:61. Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7Magbigay kayo sa Panginoon, Awit 22:27. kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
Awit 45:12. Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga Awit 116:19. looban.
9Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 Is. 35:1. Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Awit 67:4. Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
