1At ipinakita niya sa akin Zac. 6:11. si Josue Hag. 1:1. na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.
2At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang Amos 4:11. dupong na naagaw sa apoy?
3Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming Is. 64:6; Jud. 23. kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.
4At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Apoc. 7:14. Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, Is. 6:7. aking pinaram ang iyong kasamaan, Is. 61:10; Ezek. 16:10. at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
5At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang Zac. 6:11. mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.
6At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,
7Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at Gen. 26:5. kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.
8Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong Ezek. 12:11; 24:24. pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang Is. 42:11. aking lingkod Jer. 23:5; 33:16. na Sanga.
9Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Zac. 6:11. Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may Zac. 4:10; Apoc. 5:6. pitong mata: narito, aking Ex. 28:11, 21. iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon Zac. 13:1; Heb. 7:27. sa isang araw.
10Sa araw na yaon, Zac. 2:11. sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
