1Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 Awit 27:9. Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
Awit 86:1. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 Sant. 4:14. Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At Job 30:30. ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at Awit 37:2. natuyo;
Sapagka't 1 Sam. 1:7. nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang Awit 42:3; 80:5. aking inumin ng iyak.
10Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 Job 14:2. Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12Nguni't Awit 9:7. ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At Awit 135:13. ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13Ikaw ay babangon at Is. 60:10; Zac. 1:12. maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, Is. 40:2. ang takdang panahon ay dumating.
14Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang 1 Hari 8:43. pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita Is. 60:2. sa kaniyang kaluwalhatian;
17 Neh. 1:6, 11. Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18Ito'y Rom. 15:4. isusulat na ukol sa lahing susunod:
At Awit 22:31; Is. 43:21. ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19Sapagka't siya'y tumungo Deut. 26:15; Awit 14:2. mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 Awit 79:11. Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 Awit 56:13. Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
Job 21:21. Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 Is. 38:10. Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y Awit 90:1, 2. lampas sa mga sali't saling lahi.
25Nang una ay Heb. 1:10-12. inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 Is. 34:4; Mat. 24:35; 2 Ped. 3:7, 10, 12; Apoc. 20:11; 21:1. Sila'y uuwi sa wala, nguni't tal. 12. ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27Nguni't Mal. 3:6; Heb. 13:6. ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 Awit 69:36. Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
Gen. 17:7. At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.