1At Blg. 33:36.ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at Ex. 15:20.si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.
Ang tubig ng Meriba.2At Ex. 17:1.walang tubig na mainom ang kapisanan; at Blg. 16:19, 42. sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
3 Ex. 17:2. At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay Ex. 11:1, 33. nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!
4At Ex. 17:3.bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?
5At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
6At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at Blg. 14:5; 16:4, 22. nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
7At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
8 Ex. 17:5. Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at Neh. 9:15; Is. 43:20; 48:21.ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.
9At kinuha ni Moises ang tungkod sa Blg. 17:10.harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.
10At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, Awit 106:33.Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay Ex. 17:6; Deut. 8:15. lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
12At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't Blg. 27:14; Deut. 1:37.hindi kayo sumampalataya sa akin Ezek. 20:41; 36:23; 38:16.upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.
13 Deut. 33:8; Awit 95:8; 106:32-33. Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.
Ang Edom ay tumanggi sa pagdaan ng Israel.14 Huk. 11:16-17. At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa Gen. 36:39.hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, Deut. 2:4-6.Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:
15 Gen. 46:6. Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay Ex. 12:40.tumahan sa Egipto na malaong panahon, Ex. 1:11.at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang:
16 Ex. 2:23. At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at Ex. 3:2; 14:19.nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:
17 Blg. 21:22; Deut. 2:37. Isinasamo ko sa iyo, na paraanin mo kami, sa iyong lupain: hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan, ni di kami iinom ng tubig sa mga balon: kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan, hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan.
18At sinabi ni Edom sa kaniya, Huwag kang magdadaan sa aking lupain, baka kita'y salubungin ng tabak.
19At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya, Kami ay aahon sa lansangan: at kung kami ay uminom ng iyong tubig, ako at ang aking mga hayop, ay Deut. 2:6, 28.pagbabayaran ko ang halaga: pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman.
20At kaniyang sinabi, Huwag kang magdadaan. At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao, at may malakas na kamay.
21 Deut. 2:26, 30. Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan: Deut. 2:8.kaya't ang Israel ay lumayo sa kaniya.
Ang kamatayan ni Aaron.22At Blg. 33:37.sila'y naglakbay mula sa Cades: at ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan, ay napasa bundok ng Blg. 21:4.Hor.
23At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor, sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom, na sinasabi,
24Si Gen. 25:8; 27:13; 31:2.Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y tal. 12. nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.
25Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.
26At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay.
27At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon: at sila'y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan.
28 Ex. 29:29-30. At hinubaran ni Moises si Aaron, ng kaniyang mga suot, at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak; at namatay si Blg. 33:38; Deut. 10:6; 32:50.Aaron doon sa taluktok ng bundok: at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok.
29At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay, ay kanilang Gen. 50:3; Deut. 34:8.tinangisan si Aaron na tatlong pung araw, sa makatuwid baga'y ng buong sangbahayan ni Israel.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.