1At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.
19 Gen. 48:7. At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Ruth 1:2; Mik. 5:2.Ephrata (na siyang Beth-lehem).
20At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan: na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel 1 Sam. 10:2.hanggang ngayon.
21At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder.
Ang kaniyang mga anak.22 Gen. 49:4; 1 Cron. 5:1. At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel.
Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
23Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si Gen. 46:8; Ex. 1:2.Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.
24Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:
25At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:
26At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.
27At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa Gen. 13:18; 23:19.Mamre, sa Jos. 14:15; 15:13.Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac.
Kamatayan ni Isaac.28At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.
29At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at Gen. 15:15; 25:8.siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: Gen. 25:9; 49:31.at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
