MGA AWIT 64 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:

Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.

2Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;

Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:

3 Awit 7:4. Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,

At pinahilagpos ang kanilang mga Awit 58:7. palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:

4Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:

Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.

5Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;

Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;

Sinasabi nila, Job 22:13; Awit 10:11. Sinong makakakita?

6Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;

Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;

At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.

7 Awit 7:12, 13. Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;

Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.

8Sa gayo'y sila'y Kaw. 18:7. matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:

Ang lahat na makakita sa kanila ay Awit 31:11. mangaguuga ng ulo.

9At lahat ng mga tao ay Awit 40:3. mangatatakot;

At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,

At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.

10Ang matuwid ay Awit 32:11. matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;

At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help