MGA AWIT 112 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

1Purihin ninyo ang Panginoon.

Mapalad Awit 128:1. ang tao na natatakot sa Panginoon,

Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.

2 Awit 25:13; 37:26. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;

Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.

3 Mat. 6:33; Mar. 10:30; 1 Tim. 4:8. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:

At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

4Sa matuwid ay Awit 97:11. bumabangon ang liwanag sa kadiliman:

Awit 111:4. Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.

5 Mat. 5:42. Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,

Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.

6Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;

Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.

7Siya'y hindi matatakot Kaw. 1:33. sa mga masamang balita:

Ang kaniyang Awit 57:7. puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.

8Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,

Hanggang sa kaniyang Awit 54:7. makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.

9Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;

Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,

Ang kaniyang 1 Sam. 2:1. sungay ay matataas na may karangalan.

10Makikita ng masama, at mamamanglaw;

Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:

Ang nasa ng masama ay Kaw. 10:28. mapaparam.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help