MGA AWIT 108 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit, Salmo ni David.

1Ang aking Hanggang tal. 5; Awit 5:7, 11. puso'y matatag, Oh Dios;

Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.

2Kayo'y gumising, salterio at alpa:

Ako ma'y gigising na maaga.

3Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:

At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.

4 Awit 113:4; Jer. 51:9. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,

At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga Awit 68:34. alapaap.

5Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:

At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.

6 Hanggang tal. 13; Awit 60:5, 12. Upang ang iyong minamahal ay maligtas,

Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.

7Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:

Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.

8Galaad ay akin; Manases ay akin;

Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:

Juda'y aking cetro.

9Moab ay aking hugasan;

Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:

Awit 60:8. Sa Filistia ay hihiyaw ako.

10Sinong magpapasok sa akin sa Jos. 19:29. bayang nakukutaan?

Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?

11Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,

Awit 44:9. At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?

12Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;

Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.

13 Awit 60:2. Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:

Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help