MGA AWIT 115 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.

1Huwag Is. 48:11. sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,

Kundi sa iyong pangalan ay Gawa 12:23. magbigay kang karangalan,

Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.

2Bakit sasabihin ng mga bansa,

Awit 42:3, 10. Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?

3Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:

Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.

4 Hanggang tal. 8; Awit 135:15-18. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,

Deut. 4:28; Is. 44:10-20; Gawa 19:26. Yari ng mga kamay ng mga tao.

5Sila'y may mga bibig, Is. 46:7; Jer. 10:5; Hab. 2:18. nguni't sila'y hindi nangagsasalita;

Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;

6Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;

Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;

7Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;

Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;

Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.

8 Is. 44:11; Jon. 2:9; Heb. 2:19. Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;

Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.

9 Awit 118:2, 3, 4. Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:

Siya'y kanilang saklolo at Awit 84:9. kanilang kalasag.

10Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:

Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.

11Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;

Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.

12Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:

Kaniyang pagpapalain ang Awit 135:19. sangbahayan ni Israel,

Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.

13Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,

Ang mababa at gayon ang mataas.

14 Deut. 1:11. Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,

Kayo at ang inyong mga anak.

15Pinagpala kayo ng Panginoon,

Na gumawa ng langit at lupa.

16 Awit 148:4. Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;

Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.

17Ang patay ay Awit 6:5. hindi pumupuri sa Panginoon,

Ni sinomang nabababa sa katahimikan;

18 Awit 113:2. Nguni't aming pupurihin ang Panginoon

Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help