MGA AWIT 45 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.

1Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:

Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:

Ang aking dila ay panulat Ezra 7:6. ng bihasang manunulat.

2Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;

Luc. 4:22. Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:

Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.

3Ibigkis mo ang iyong Is. 49:2; Heb. 4:12; Apoc. 1:6. tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,

Kalakip ang iyong Awit 21:5. kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.

4At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:

At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng Awit 65:5. kakilakilabot na mga bagay.

5Ang iyong mga Awit 120:4. palaso ay matulis;

Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:

Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.

6 Awit 93:2; Heb. 1:8. Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:

Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.

7 Awit 11:7; 33:5. Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:

Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo Is. 61:1. ng langis

Ng langis Awit 21:6; Juan 19:39. ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.

8Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:

Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.

9 A. ng A. 6:8. Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:

1 Hari 2:19. Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may Job 28:16. ginto sa Ophir.

10Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;

Deut. 21:13. Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;

11Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;

Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.

12At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na Awit 96:8. may kaloob;

Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay Awit 22:29; Is. 49:23; Mat. 2:11. mamamanhik ng iyong lingap.

13Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.

Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.

14Siya'y ihahatid sa hari na A. ng A. 1:4; Apoc. 19:7, 8; 2 Sam. 13:18. may suot na bordado:

Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay

Dadalhin sa iyo.

15May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:

Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.

16Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,

1 Ped. 2:9; Apoc. 1:6. Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.

17Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:

Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help