GENESIS 17 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, ang magiging kaniyang pangalan.

16At akin siyang pagpapalain, Gen. 18:10.at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, Gen. 35:11.at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.

17Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at Gen. 21:6.nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?

18At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!

19At sinabi ng Dios, Gen. 18:10; 21:2; Gal. 4:28.Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

20At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking Gen. 16:10.pararamihin ng di kawasa; Gen. 25:12-16.labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, Gen. 21:18.at siya'y gagawin kong malaking bansa.

21Nguni't ang Gen. 26:2-5.aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac Gen. 21:2.na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

22At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Gen. 35:13.Dios mula sa piling ni Abraham.

23At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.

24At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

25At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

26Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.

27 Gen. 18:19. At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help