I SAMUEL 29 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo sa Aphec.

1Pinisan nga ng mga 1 Sam. 28:1.Filisteo ang lahat nilang hukbo sa Jos. 12:18.Aphec: at ang mga taga Israel ay humantong sa Huk. 7:1.bukal na nasa tal. 11.Jezreel.

2At ang mga Jos. 13:3.pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan, at mga libolibo: at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na 1 Sam. 28:1, 2.kasama ni Achis.

3Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, Ano ang mga Hebreong ito? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin 1 Sam. 27:7.ng mga araw na ito, o ng mga taong ito, at hindi ako nakasumpong ng Dan. 6:5.anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y 1 Cron. 12:19, 20.lumapit sa akin hanggang sa araw na ito?

4Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya, Pabalikin mo ang taong iyan, upang siya'y bumalik sa kaniyang dako 1 Sam. 27:6.na iyong pinaglagyan sa kaniya, at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka, baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya: sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito?

5Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi,

1 Sam. 18:7; 21:11. Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,

At ni David ang kaniyang laksalaksa?

Hindi nagtiwala kay David ang Filisteo.

6Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David, at sinabi sa kaniya, Buhay ang Panginoon, ikaw ay matuwid, at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin: sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito: gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo.

7Kaya't ngayo'y ikaw ay bumalik at yumaong payapa, upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo.

8At sinabi ni David kay Achis, Nguni't anong aking ginawa? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito, upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari?

9At sumagot si Achis, at sinabi kay David, Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin, na gaya ng isang 2 Sam. 14:17; 19:27.anghel ng Dios: gayon ma'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo. Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka.

10Kaya't bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga 1 Cron. 12:19, 22.lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan, at pagliliwanag ay yumaon kayo.

11Sa gayo'y bumangong maaga si David, siya at ang kaniyang mga lalake, upang yumaon sa kinaumagahan, na bumalik sa lupain ng mga Filisteo. At ang mga tal. 1; 2 Sam. 4:4. Filisteo ay umahon sa Jezreel.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help