1Oh Dios, bakit mo itinakuwil Awit 79:1, 5.
kami magpakailan man?Bakit ang iyong galit ay Awit 18:8. umuusok laban sa mga Awit 79:13; Ezek. 34:31. tupa ng iyong pastulan?
2Alalahanin mo ang iyong kapisanan Ex. 15:16. na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng Is. 63:17. iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3Itaas mo ang iyong mga paa Awit 73:18; Is. 61:4. sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4 Panag. 2:7. Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
Mat. 24:15. Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6At ngayo'y lahat 1 Hari 6:29. ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7 2 Hari 25:9. Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8 Awit 83:4. Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
Panag. 2:9; Ezek. 7:26. Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 Panag. 2:3. Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12Gayon ma'y ang Awit 44:4. Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 Ex. 14:21. Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
Is. 51:9. Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga Is. 27:1. buwaya sa mga tubig.
14Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng Job 41:1. leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 Ex. 17:6. Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
Jos. 2:13, etc. Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17Iyong Deut. 32:8; Gawa 17:26. inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 tal. 2, 22. Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa A. ng A. 2:14. ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 Gen. 17:7, 8; Lev. 26:44, 45; Awit 106:45. Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 Awit 9:9. Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.