MGA AWIT 83 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit, Salmo ni Asaph.

1Oh Awit 28:1; Is. 62:7. Dios, huwag kang tumahimik:

Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.

2Sapagka't Awit 2:1; Gawa 4:25. narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:

At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.

3Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,

At nangagsanggunian Awit 27:5. laban sa iyong nangakakubli.

4Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang Est. 3:6, 9; Awit 74:8; Jer. 31:36. ihiwalay sa pagkabansa;

Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.

5Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;

Laban sa iyo ay nangagtitipanan:

6 2 Cron. 20:1, 10, 11. Ang mga tolda ng Edom at ng mga Gen. 25:18. Ismaelita;

Ang Moab at ang mga 1 Cron. 5:10. Agareno;

7Ang Jos. 13:5. Gebal, at ang Ammon, at ang 1 Sam. 15:2. Amalec;

Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:

8Pati ng 2 Hari 15:19. Asiria ay nalalakip sa kanila;

Is. 33:2. Kanilang tinulungan ang Deut. 2:9. mga anak ni Lot.

9Gumawa ka sa kanila ng gaya Huk. 7:22. sa Madianita;

Gaya Huk. 4:15. kay Sisara, gaya kay Jabin, sa Huk. 4:7. ilog ng Cison:

10Na nangamatay sa Endor; 2 Hari 9:37. Sila'y naging parang dumi sa lupa.

11Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya Huk. 7:25. ni Oreb at ni Zeeb;

Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Huk. 8:5, 6, 12, 21. Zeba at ni Zalmuna;

12Na siyang nagsipagsabi, 2 Cron. 20:11. Kunin natin para sa atin na pinakaari

Ang mga tahanan ng Dios.

13 Is. 17:13. Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;

Awit 1:4; 35:5. Parang dayami sa harap ng hangin.

14Parang apoy na sumusunog ng gubat,

At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;

15Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,

At pangilabutin mo sila ng iyong unos.

16 Awit 35:4, 26. Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;

Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.

17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;

Oo, mangahiya sila at mangalipol:

18 Awit 59:13. Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na Ex. 6:3. ang pangalan ay JEHOVA,

Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help