MGA AWIT 86 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Dalangin ni David.

1Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;

Sapagka't Awit 40:17; 70:5. ako'y dukha at mapagkailangan.

2Ingatan mo ang aking kaluluwa; Awit 50:5. sapagka't ako'y banal:

Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.

3 Awit 56:1. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,

Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.

4Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;

Awit 25:1. Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.

5Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,

At Ex. 34:6. sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.

6 Awit 55:1, 2. Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;

At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.

7 Awit 77:2. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;

Sapagka't iyong sasagutin ako.

8Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Ex. 15:11. Oh Panginoon;

Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.

9 Awit 22:31; Is. 66:18; Apoc. 15:4. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;

At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.

10Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:

Deut. 6:4; 32:39; Is. 37:16; 1 Cor. 8:4. Ikaw na magisa ang Dios.

11 Awit 27:11. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; Awit 26:3. lalakad ako sa iyong katotohanan:

Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.

12Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;

At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.

13Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;

At iyong Awit 58:13; 116:8. iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.

14Oh Dios, Awit 54:3. ang palalo ay bumangon laban sa akin,

At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,

At hindi inilagay ka sa harap nila.

15 Ex. 34:6. Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,

Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.

16 Awit 25:16. Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;

Ibigay mo ang lakas mo sa Awit 116:16. iyong lingkod.

At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.

17Pagpakitaan mo ako ng tanda Neh. 5:19; 13:31. sa ikabubuti:

Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,

Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help