1Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig 1 Cron. 6:33, 37. ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 Awit 63:1; 84:2. Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, 1 Tes. 1:9. ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, Awit 84:7. at haharap sa Dios?
3Ang aking mga luha ay Awit 80:5. naging aking pagkain araw at gabi,
Awit 77:10. Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at Job 30:16; 1 Sam. 1:15; Awit 62:8. nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
Is. 30:29. Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, Awit 120-134 mga titik. at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 Awit 43:5. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka 2 Sam. 17:22, 24. mula sa lupain ng Jordan,
At ng Deut. 3:9. Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 Jer. 4:20; Ezek. 7:26. Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
Awit 88:7; Jon. 2:3. Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y Awit 133:3. uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At Job 35:10; Awit 32:7. sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9Aking sasabihin sa Dios na aking 2 Sam. 22:2.
malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
Joel 2:17; Mik. 7:10. Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 Awit 43:5. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.