1Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Jer. 32:12. Baruch na anak ni Nerias, Jer. 36:4. nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, Jer. 36:1. nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi:
2Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch:
3Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan.
4Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, Is. 5:5; Jer. 1:10. na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain.
5At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko Jer. 21:9. sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
