1Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa Luc. 20:42; Gawa 1:20. upuan ng mga Kaw. 1:22. manglilibak.
2Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At Awit 119:1, 97. sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3At siya'y magiging Blg. 24:6. parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay Gen. 39:3, 23. giginhawa.
4Ang masama ay hindi gayon; Kundi Job 21:18; Awit 35:5; Is. 29:5. parang ipa na itinataboy ng hangin.
5Kaya't ang masama ay hindi Awit 5:5; Nah. 1:6. tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6Sapagka't nalalaman ng Awit 37:18; Nah. 1:7; Juan 10:14. Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
