I PEDRO 3 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Gayon din naman, Ef. 5:22. kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, 1 Cor. 7:16. kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng Gal. 1:13. ugali ng kanikaniyang asawang babae;

2Sa pagkamasid nila ng inyong 1 Tim. 2:9. ugaling mahinhin na may takot.

3Na Rom. 7:22. huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;

4Kundi Ef. 5:22. ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

5Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, Gen. 18:12. na pasakop sa kanikaniyang asawa;

6Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

7 1 Cor. 7:3; Ef. 5:25. Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan 1 Tes. 4:4. ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: 1 Cor. 7:5. upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

8Katapustapusan, Rom. 12:16. kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, 1 Ped. 1:22. mangagibigang tulad sa magkakapatid, Ef. 4:32; Col. 3:12. mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

9 Mat. 5:39. Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, 1 Ped. 2:23. o ng alipusta ang pagalipusta; kundi Mat. 5:44; Rom. 12:14. ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

10Sapagka't,

Awit 34:12-16. Ang magnais umibig sa buhay,

At makakita ng mabubuting araw,

Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,

At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

11At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;

Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.

12Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,

At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:

Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14Datapuwa't 1 Ped. 2:19, 20. kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran Mat. 5:10-12. ay mapapalad kayo: at Is. 8:12, 13. huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o Juan 14:1, 27. huwag kayong mangagulo;

15Kundi Mat. 6:9. inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: Col. 4:6.

na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa 2 Tim. 2:25. kaamuan at Ef. 5:33. takot:

16Na taglay tal. 21. ang mabuting budhi; 1 Ped. 2:2. upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang Mat. 5:44. nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng tal. 1. pamumuhay kay Cristo.

17Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18Sapagka't si Cristo man ay 1 Ped. 2:21, 24. nagbata ring Heb. 9:26, 28. minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, Ef. 2:18. upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay Col. 1:22. sa laman, nguni't Rom. 8:11. binuhay 1 Tim. 3:16. sa espiritu;

19Na iyan din ang kaniyang iniyaon at Gawa 2:27, 31; Ef. 4:9. nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20Na nang unang panahon ay mga suwail, Gen. 6:3, 5, 13, 14; Mat. 24:37-39. na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang Heb. 11:7. inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21Na ayon sa tunay Heb. 9:24. na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y Ef. 5:26. ang bautismo, hindi sa pagaalis Tit. 3:5. ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng tal. 16. isang mabuting budhi sa Dios, 1 Ped. 1:3. sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na Mat. 28:18. ipinasakop 1 Cor. 15:24; Ef. 1:21. sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help