1Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
Awit 88:3, 4. Ang libingan ay handa sa akin.
2Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
Kaw. 6:1. Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya't hindi mo sila itataas.
5Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6Nguni't ginawa rin niya akong Job 30:9; Awit 44:14; 69:11. kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
7Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8Mga matuwid na tao ay Is. 52:14. matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
Awit 24:4. At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10Nguni't tungkol sa inyong lahat, Job 6:29. magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 Job 7:6; 9:25. Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16Lulusong sa mga pangawan Job 18:13. ng Sheol,
Pagtataglay ng Job 3:17, 18, 19. kapahingahan sa alabok.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
