EFESO 1 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Si 2 Cor. 1:1, 2. Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, Rom. 1:7. at sa mga tapat kay Cristo Jesus:

2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

3 2 Cor. 1:3. Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang tal. 20; Ef. 2:6; 3:10. ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

4Ayon sa pagkapili niya sa atin 2 Tes. 2:13. sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis Ef. 5:27; 1 Tes. 4:7. sa harapan niya sa pagibig:

5Na tayo'y itinalaga niya nang una pa tal. 11; Rom. 8:29, 30. sa pagkukupkop na tulad sa mga anak Rom. 8:15; 1 Juan 3:1. sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, tal. 9; Mat. 11:26; 1 Cor. 1:21. ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

6Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Mat. 3:17; Col. 1:13. Minamahal:

7Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, Gawa 20:28; Rom. 3:24; Col. 1:14. na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

8Na pinasagana niya sa atin, sa buong Col. 2:3. karunungan at katalinuhan,

9Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga Rom. 16:25. ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.

10Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, tal. 20-23. upang tipunin ang Col. 1:20. lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,

11Tayo rin naman sa kaniya ay tal. 14, 18. ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa tal. 9; Rom. 8:28; Ef. 3:11. ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;

12 tal. 6, 14; Fil. 1:11. Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:

13Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan Ef. 4:30. ng Espiritu Santo, na ipinangako,

14Na siyang patotoo 2 Cor. 1:22. sa ating mana, hanggang sa ikatutubos Rom. 8:23. ng sariling pagaari ng Dios, Gawa 20:28. sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

15Dahil dito ako rin naman, Col. 1:3, 4. pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,

16Ay Rom. 1:8. hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;

17Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, Juan 20:17. ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

18Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano Ef. 4:4. ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang tal. 11. pamana sa mga banal,

19At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, Col. 1:20; 2:12. ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,

20Na kaniyang ginawa kay Cristo, Gawa 2:24. nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at Awit 110:1; Col. 3:1. pinaupo sa kaniyang kanan tal. 3. sa sangkalangitan,

21Sa kaibaibabawan ng tal. 2, 10. lahat na Col. 1:16. pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa Fil. 2:9. bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:

22At ang lahat ng mga bagay ay Awit 8:6; 1 Cor. 15:27. pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang Ef. 4:15; 5:23; Col. 1:18. maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

23 Col. 12:12. Na siyang katawan niya, Juan 1:16; Ef. 4:13; Col. 1:19. na kapuspusan niyaong Ef. 4:10. pumupuspos ng lahat sa lahat.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help