MGA AWIT 142 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. 1 Sam. 22:1; 24:1-5.

Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.

1Ako'y Awit 77:1. dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;

Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.

2 Awit 102, titik; Is. 26:16. Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;

Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.

3Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,

Nalaman mo ang aking landas.

Awit 140:5. Sa daan na aking nilalakaran

Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.

4 Awit 69:20. Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:

Sapagka't Awit 31:11. walang tao na nakakakilala sa akin:

Kanlungan ay kulang ako;

Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.

5Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;

Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,

Awit 16:5; Panag. 3:24. Aking bahagi Awit 27:13. sa lupain ng may buhay.

6Pakinggan mo ang aking daing;

Sapagka't Awit 116:6. ako'y totoong nababa:

Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;

Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.

7 Awit 143:11. Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,

Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:

Kubkubin ako ng matuwid;

Awit 13:6. Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help