1Oh ikaw sana'y naging aking kapatid,
Na humitit ng mga suso ng aking ina!
Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita;
Oo, at walang hahamak sa akin.
2Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina,
Na magtuturo sa akin;
Aking paiinumin ka ng hinaluang alak,
Kaw. 9:2, 5. Ng katas ng aking A. ng A. 4:3. granada.
3Ang kaniyang kaliwang kamay ay A. ng A. 2:6.
malalagay sa ilalim ng aking ulo,At ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.
4Pinagbibilinan ko kayo, A. ng A. 1:5. Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko,
Hanggang sa ibigin niya.
5Sino itong A. ng A. 3:6. umaahong mula sa ilang,
Na humihilig sa kaniyang sinisinta?
Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita:
Doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina,
Doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
6Ilagay mo akong Is. 49:16; Jer. 22:24. pinakatatak sa iyong puso,
Pinakatatak sa iyong bisig:
Sapagka't ang pagsinta ay Rom. 8:35. malakas na parang kamatayan,
Panibugho ay Kaw. 6:34-35. mabagsik na parang Sheol:
Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy,
Isang pinaka liyab ng Panginoon.
7Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta,
Ni mapauurong man ng mga baha;
Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta,
Siya'y lubos na kukutyain.
8Tayo'y may isang munting kapatid na babae, Ezek. 16:7. At siya'y walang mga suso:
Ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae
Sa araw na siya'y ipakikiusap?
9Kung siya'y maging isang kuta,
Pagtatayuan natin siya ng moog na pilak:
At kung siya'y maging isang pintuan,
Ating tatakpan ng mga tablang sedro.
10Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay A. ng A. 5:13. parang mga moog niyaon:
Ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.
11Si Salomon ay Ec. 2:4. may ubasan sa Baal-hamon;
Mat. 21:33. Kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala;
Bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
12Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko;
Ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo,
At ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
13Ikaw na tumatahan sa mga halamanan,
Ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig:
A. ng A. 2:14. Iparinig mo sa akin.
14Ikaw ay magmadali, sinisinta ko,
At ikaw ay A. ng A. 2:9, 17. maging parang usa o batang usa
Sa mga bundok ng mga especia.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.