APOCALIPSIS 2 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Sa Apoc. 1:20. anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Efeso ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng Apoc. 1:16. pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na Apoc. 1:13. yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

2Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga 2 Cor. 11:13. nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

3At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

4Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na Jer. 2:2. iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

5Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay Mat. 21:41, 43. paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang tal. 1. iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

6Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng tal. 15. mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

7Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin Gen. 2:9; Apoc. 22:2, 14. ng punong kahoy ng buhay, na nasa Ezek. 28:13; Luc. 23:43. Paraiso ng Dios.

8At Apoc. 1:20. sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, Apoc. 1:18. na namatay, at muling nabuhay:

9Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong Sant. 2:5. kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng Rom. 2:17. mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, Apoc. 8:9. kundi isang sinagoga ni Satanas.

10Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at Juan 16:33. magkakaroon kayo ng kapighatiang Dan. 1:12, 14. sangpung araw. Mat. 10:22. Magtapat Apoc. 1:11. ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita Sant. 1:12; Apoc. 3:11. ng putong ng buhay.

11Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan Apoc. 20:6. ng ikalawang kamatayan.

12At Apoc. 1:20. sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi Apoc. 1:16. ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni 2 Ped. 2:15. Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, Gawa 15:29. upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at Blg. 25:1; 31:16; 1 Cor. 10:8. makiapid.

15Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng tal. 6. mga Nicolaita.

16Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko Juan 6:48-50. ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na Apoc. 3:12; 19:12. isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18At Apoc. 1:20. sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, Apoc. 1:14. na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20Datapuwa't 1 Hari 16:31; 21:25. mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at tal. 14. kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21At binigyan ko siya ng panahon upang Apoc. 9:20, 21; 16:9, 11. makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong Awit 7:9. sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at Awit 62:12. bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; Gawa 15:28. hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa Apoc. 3:3. ako'y pumariyan.

26 tal. 7. At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, Mat. 19:28; Luc. 22:29, 30; 1 Cor. 6:2; Apoc. 3:21; 20:4. ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na Awit 2:9. bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28At sa kaniya'y ibibigay ko 2 Ped. 1:19; Apoc. 22:16. ang tala sa umaga.

29Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help