MGA AWIT 20 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;

4 Awit 21:2. Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,

At tuparin ang lahat ng iyong payo.

5Kami ay Awit 9:14. magtatagumpay sa iyong pagliligtas,

At Awit 60:4. sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:

Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.

6Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang Awit 2:2. kaniyang pinahiran ng langis;

Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit

Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.

7 Kaw. 21:31; Is. 31:1. Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:

2 Cron. 32:8. Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.

8Sila'y nangakasubsob at buwal:

Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.

9Magligtas ka, Panginoon:

Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help