1Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
5Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 Awit 63:11; 91:4. Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob Awit 40:11; Kaw. 20:28. at katotohanan, upang mapalagi siya.
8Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
Awit 50:14. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
