ANG MGA GAWA 24 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si

8Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.

9At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.

10At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,

Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:

11Sapagka't napagtatalastas mo na tal. 1; Gawa 21:18, 27. wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:

12At ni hindi nila ako nasumpungan sa Gawa 25:8. templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.

13Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.

14Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;

15Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon tal. 21; Gawa 23:6. ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.

16Na dahil nga rito'y lagi rin Gawa 23:1. akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.

17At nang makaraan nga Gawa 18:22, 23; 19:8, 10; 20:31. ang ilang mga taon ay Rom. 15:25-28; 1 Cor. 16:1-3; 2 Cor. 8:4; 9:1, 12. naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:

18Na ganito nila ako nasumpungang Gawa 21:26, 27; 26:21. pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—

19Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.

20O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila Gawa 22:30. nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,

21Maliban na sa isang tinig na ito na Gawa 23:6. aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.

22Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol Gawa 9:2. sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni tal. 7. Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.

23At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at Gawa 28:16. huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.

24Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.

25At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at Gawa 17:32. pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.

26Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng tal. 17. salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.

27Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix Gawa 25:9. na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help