OSEAS 11 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

1 Os. 2:15. Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at Mat. 2:15. tinawag kong aking anak mula Ex. 4:22, 23. sa Egipto.

2Lalo Jer. 7:25, 26. silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain 2 Hari 17:16. sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.

3Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim Deut. 1:31. na lumakad; Ex. 15:26. aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.

4Akin silang pinatnubayan Juan 6:44. ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

5Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; Os. 8:13. kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.

6At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, Os. 10:6. dahil sa kanilang sariling mga payo.

7At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.

8 Jer. 9:7. Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? Gen. 19:24, 25. paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Deut. 29:23. Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.

9Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: Blg. 23:19. sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

10Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't Joel 3:16. siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na Is. 11:11. mula sa kalunuran.

11Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; Ezek. 37:21, 25. at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.

12Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help