MGA AWIT 146 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

1Purihin ninyo ang Panginoon.

Purihin mo ang Panginoon, Awit 103:1. Oh kaluluwa ko.

2Samantalang ako'y nabubuhay ay Awit 104:33. pupurihin ko ang Panginoon:

Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.

3 Awit 118:8, 9; Is. 2:21. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,

Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.

4 Awit 104:29; Ec. 12:9. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;

Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.

5 Awit 144:15. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,

Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:

6 Gawa 14:15. Na gumawa ng langit at lupa,

Ng dagat, at ng lahat na nandoon;

Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:

7 Awit 103:6. Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;

Awit 107:9. Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:

Awit 68:6; Is. 61:1. Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;

8 Mat. 9:30; Juan 9:7, 32. Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;

Awit 145:14; Luc. 13:13. Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;

Iniibig ng Panginoon ang matuwid;

9 Ex. 22:21, 22; Deut. 10:18. Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;

Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;

Nguni't Awit 147:6. ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.

10 Awit 10:16. Maghahari ang Panginoon magpakailan man.

Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help