1Ang Panginoon Awit 84:11; Is. 60:20; Mik. 7:8. ay aking liwanag, at Ex. 15:2. aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 Awit 3:6. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 Awit 26:8. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan Awit 65:4. sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin Awit 90:17. ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 Awit 31:20; 91:1; Is. 4:6. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6At ngayo'y matataas ang Awit 3:3. aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, Awit 24:6; 105:4. Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 Awit 69:17. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Awit 24:5. Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 Is. 49:15. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 Awit 25:4. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay 1 Sam. 22:9; Awit 35:11. nagsibangon laban sa akin,
At ang Gawa 9:11. nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
Awit 116:9; 142:5. Sa lupain ng may buhay.
14 Awit 37:34. Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.