MGA AWIT 98 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit.

1 Awit 33:3. Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;

Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:

Ex. 15:6; Luc. 1:51. Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:

2 Is. 52:10; Luc. 2:30, 31; 3:6; Gawa 13:47; 28:28. Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:

Is. 62:2; Rom. 3:25, 26. Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.

3 Luc. 1:53. Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:

Nakita ng Is. 49:6. lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.

4Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.

Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.

5Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri Awit 83:18. ng alpa;

Ng alpa at ng tinig na tugma.

6Ng mga pakakak at tunog ng corneta

1 Cron. 15:28; 2 Cron. 15:14. Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.

7 Awit 96:11. Humugong ang dagat at ang buong naroon;

Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;

8 Is. 55:12. Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;

Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;

9Sa harap ng Panginoon, Awit 96:10, 13. sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:

Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,

At ng karapatan ang mga bayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help