1At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli. At ang dalawang tainga ng bawa't isa na nakikinig ay magpapanting.
12Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas.
13Sapagka't aking isinaysay sa kaniya na aking Ezek. 7:3, 8.huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman, 1 Sam. 2:12, 17, 22.sapagka't ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at Jos. 12:18.hindi niya sinangsala sila.
14At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay Is. 22:14.hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man.
15At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon. At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip.
16Nang magkagayo'y tinawag ni Eli si Samuel, at nagsabi, Samuel, anak ko. At kaniyang sinabi, Narito ako.
17At kaniyang sinabi, Ano ang bagay na sinalita sa iyo? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin: Ruth 1:17.hatulan ka ng Dios, at lalo na, kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo.
18At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita, at hindi naglihim ng anoman sa kaniya. At kaniyang sinabi, Job 1:21; 2:10; Awit 39:9; Is. 39:8.Panginoon nga: gawin niya ang inaakala niyang mabuti.
19At si Samuel ay lumalaki at ang Gen. 39:2; Jos. 6:27.Panginoon ay sumasakaniya, 1 Sam. 9:6.at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita.
20At nakilala ng buong Israel mula sa 2 Sam. 3:10. Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay 1 Sam. 2:25. itinatag na maging propeta ng Panginoon.
21At napakilala uli ang Panginoon sa Jos. 18:1.Silo, sapagka't ang Panginoo'y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng tal. 1, 4.salita ng Panginoon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
