MGA AWIT 25 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.

1Sa iyo, Awit 86:4; Panag. 3:41. Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.

2Oh Dios ko Awit 22:4, 5; 34:8; 115:9-11. sa iyo'y tumiwala ako,

Awit 31:1, 17. Huwag nawa akong mapahiya;

Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.

3Oo, Is. 49:23. walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;

Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,

4 Ex. 33:13; Awit 27:11. Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;

Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.

5Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;

Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;

Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.

6Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;

Awit 103:17. Sapagka't magpakailan man mula ng una.

7 Job 13:26; Jer. 3:25. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:

Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.

8Mabuti at matuwid ang Panginoon:

Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.

9Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:

At ituturo niya sa maamo ang daan niya.

10Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan

Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.

11 Awit 23:3; 31:3; 109:21. Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,

Iyong ipatawad ang aking kasamaan, Rom. 5:20. sapagka't malaki.

12Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?

Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.

13Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;

At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.

14 Kaw. 3:22; Is. 54:13; Juan 6:45. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;

At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.

15 Awit 141:8. Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;

Sapagka't Awit 31:4. huhugutin niya ang aking mga paa Awit 9:15. sa silo.

16 Awit 69:16; 119:132. Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin;

Sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.

17Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki:

Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.

18 2 Sam. 16:12. Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam;

At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.

19Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami;

At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.

20Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako:

tal. 2. Huwag nawa akong mapahiya, Awit 16:1. sapagka't nanganganlong ako sa iyo.

21Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran,

Sapagka't hinihintay kita.

22 Awit 130:8. Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help