1 Hanggang tal. 5; Awit 40:13-17. Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;
Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
2Mangapahiya at mangalito sila,
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
3 Awit 6:10. Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.
Silang nangagsasabi, Aha, Aha.
4Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;
At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:
Dakilain ang Dios.
5Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Awit 141:1. Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
